^

Probinsiya

Misis tinodas, mister nag-suicide

-
CAMP CRAME – Pinaslang muna ng isang 49-anyos na mister ang sariling misis bago ito nag-suicide sa pamamagitan  naman ng pagbaril sa dibdib sa naganap na insidente sa Tabada St., Barangay Mambaling, Cebu City kahapon ng madaling-araw.

Kapwa idineklarang patay sa Chong Hua Hospital sina Johnson Ongchua at ang misis nitong si Juanita, 45, matapos magtamo ng tig-isang bala ng baril sa dibdib. 

 Base sa ulat ng tagapagsiyasat na si SPO2 Alex Dacua, si Johnson ay isang taxi operator at negosyante na bagama’t walang anak ang mag-asawa ay may dalawang anak ang misis nitong isang 22-anyos na lalaki at 17-anyos na babae sa unang lalaking kaniyang naka-relasyon.

Sa salaysay ng anak ni Juanita, madaling-araw nang marinig niyang nagtatalo ang kaniyang ina at ang kaniyang ama-amahan at kasunod nito’y nakarinig siya ng malakas na putok ng baril.

Kinatok niya ang silid ng mag-asawa, subalit sinagot siya ni Johnson na nagbibihis pa ang kaniyang ina at ilang saglit pa ay isa pang malakas na putok ang umalingawngaw. 

Ayon pa sa tagapagsiyasat, ibig makipaghiwalay ng babae sa lalaki kaya posibleng napilitang paslangin na lamang ang una saka mag-suicide ang huli.

Ayon sa mga anak ng misis, hindi na matagalan ng kanilang ina ang sobrang bisyo ng kanilang amain kaya ibig nitong makipaghiwalay na lamang na mahigpit namang tinutulan ng lalaki. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEX DACUA

AYON

BARANGAY MAMBALING

CEBU CITY

CHONG HUA HOSPITAL

JOHNSON ONGCHUA

JOY CANTOS

JUANITA

KAPWA

TABADA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with