2 opisyal ng Customs nagsuntukan kay Milenyo
October 2, 2006 | 12:00am
Dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa lalawigan ng Cebu ang nagsuntukan matapos na magtalo nang isailalim sa "manual operations" ang kanilang opisina dahil sa "system breakdown" sa Metro Manila dulot ng bagyong Milenyo.
Nakilala ang mga nagsuntukan na sina Customs operations officer V Gary Palala at Assessment Division assistant chief Emmanuel Laudit.
Ayon sa ulat, ipinag-uots ni BOC-Cebu District Collector Ricardo Belmonte sa kanyang mga tauhan na iproseso ang kanilang mga dokumento ng mano-mano dahil sa pagbagsak ng "on-line system" ng Customs main office sa Intramuros, Manila.
Nabatid na nais umano ni Palala na markahan ang "import entry document" na temporarily released" ngunit iginiit ni Laudit na markahan ito ng "due to systems breakdown, no hardcopy available".
Dito na umano nagtalo ang dalawang opisyal hanggang sa magtungo at magsumbong si Palala sa kanyang boss na si Carlos Corsiga, hepe ng Assessment Division na lumapit naman kay Laudit at sinabihan ito na ayusin ang kanilang gusot.
Sa kabila nito, muling nagkasagutan ang dalawa hanggang sa humantong na unang suntukin umano ni Laudit si Palala at nagpambuno pa. Sinasabing pinagtulungan pa umano ng ilang examiner na kampi kay Palala na bugbugin si Laudit.
Dahil dito, iniutos ni Customs Commissioner Napoleon Morales kay Belmonte na magsagawa ng masusing imbestigasyon ukol sa nasabing insidente at agad na patawan ng kaukulang parusa ang mga sangkot dito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended