Si Oña, 59-anyos, incumbent mayor ng Allacapan ay dead-on-arrival sa Christian Hospital sa Aparri, Cagayan matapos na magtamo ng grabeng tama ng bala mula sa cal. 45 pistol sa kaliwang pisngi.
Ang insidente ay naganap sa bisinidad ng gasolinahan na pag-aari ng alkalde sa Poblacion ng nasabing bayan bandang alas -7 ng gabi. Ang alkalde ay nasa ikalawang termino na sa serbisyo o 11 taon matapos itong magsimulang manungkulan sa nasabing bayan noong 1992.
Nabatid na biglang sumulpot sa lugar ang dalawang armadong salarin na lulan ng motorsiklo at agad na binaril ang alkalde. Ayon sa mga saksi isa sa mga suspek ay may taas na 510 at nakasuot ng maong na pantalon.
Kasabay nito, agad namang binuo ni Chief Supt. Jefferson Soriano Cagayan Valley Police Director ang Task Force Oña upang lutasin ang nangyaring krimen. (Victor Martin At Joy Cantos )