Taxi driver ginilitan ng 2 holdaper
September 18, 2006 | 12:00am
CAINTA, Rizal Patay ang isang 51-anyos na taxi driver makaraang holdapin at pagkatapos ay ginilitan ang leeg nito ng dalawang holdaper na kanyang naisakay kahapon ng madaling-araw sa Brgy. San Isidro ng bayang ito.
Ang biktima na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang minamanehong taxi at laslas ang lalamunan habang nakatali sa seatbelt ang katawan ay nakilalang si Tani Castillo, residente ng 184 Wenmark Subd., Manggahan, Pasig City.
Ayon kay SPO2 Carlos Atanacio, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Pandem St., Brookside Subdivision ng nasabing barangay ng isang nakilalang Tedy Torno na nataong nagjo-jogging sa nasabing lugar.
Napansin ni Torno ang isang taxi na kulay puting Toyota Corolla na may plakang TWC-853 habang nakaparada at bukas ang ilaw. Dahil sa kuryosidad ay nilapitan ng testigo ang sasakyan at dito laking gulat niya nang Makita ang driver na duguan at nakaupo sa drivers seat kaya agad siyang humingi ng tulong sa awtoridad.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, dalawang lalaki ang sakay ng biktima nang pumasok ito sa loob ng nasabing subdibisyon.
Lumalabas na din na may dalang malaking halaga ng pera ang biktima dahil patungo sana ito ng Pampanga upang dalawin ang may sakit na asawa na kasalukuyang nasa ospital. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest