^

Probinsiya

Runway ng airport, ninakawan ng mga ilaw

-
CAMP CRAME – Nagawang malusutan ng mga magnanakaw ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa airport makaraan nakawin ang mga ilaw at kable ng runway ng paliparan ng Butuan City sa Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat, nadiskubre ang nakawan matapos na mawala ang tanglaw ng ilaw sa nasabing landing point ng paliparan, ng mga piloto mula sa Philippine Airlines (PAL) bandang alas-6 ng gabi.

Sinasabing hindi man lamang napansin ng mga airport security personnel at mga empleyado nito sa tower ng paliparan, ang nagaganap na nakawan.

Base sa ulat na ipinarating ng Caraga Police Regional Office, napansin ng mga piloto ng eroplano, na madilim ang runway 12, kung saan madilim ang paligid at halos nasa ‘zero visibility’ dahil sa sama ng panahon.

Agad namang ipinaalam sa control tower ng mga piloto, subalit iginiit naman ng mga tower personnel na kanila nang sinindihan ang naturang mga ilaw.

Dahil dito, laking gulat ng mga opisyal nang matiyak ng mga security personnel na ‘grounded’ na lahat ng ilaw at mismong kable ng mga ito ay nawawala.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Airport Transport Office (ATO) ang insidente ng nakawan, na sinasabing hindi man lamang napansin kahit mahigpit ang ipinatutupad na security measures. (Joy Cantos)

AGUSAN

AIRPORT TRANSPORT OFFICE

BUTUAN CITY

CARAGA POLICE REGIONAL OFFICE

DAHIL

JOY CANTOS

KASALUKUYANG

NAGAWANG

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with