Ayon sa director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na si P/Chief Supt. Jesus Verzosa, kabilang sa mga kinasuhan sa sala ni Batangas City Prosecutor Leona Castillo ay ang Magdalo mutineers na sina 2nd Lt. Aldrin Baldonado, Lt. Angelbert Gay, Captain Nathaniel Rabonza, 1st Lieutenants Patricio Bumidang Jr. at Sonny Sarmiento na pawang sundalo ng Philippine Army at Navy Lt. Junior Grade Kiram Sadava.
Kasama rin sa kinasuhan sina Atty. Christopher Belmonte, Christina Antonio, Betina Balderama, at tatlo pang sibilyan.
Si Sanchez naman ang tumayong nagrereklamo sa nasabing kaso na noong Hunyo 1 ay pinasabog ang kanyang kulay itim na Hummer vehicle habang nakaparada sa parking lot ng provincial capitol na ikinasawi ng driver nitong si Luisito Icaro at police escort na si PO2 Eric Landicho.
Napag-alamang sina Bumidang at Sadava na kabilang sa anim na nasakote noong Hulyo sa isang subdivision sa Quezon City ay isinangkot si Recto na mastermind sa pambobomba na pinondohan ng P 3 milyon.
Mariin namang itinanggi ni Recto ang nabanggit na akusasyon sa pagsasabing wala siyang kapabilidad na masangkot sa graft and corruption, gayundin sa heinous crime tulad ng murder.