Trak hulog sa bangin: 5 patay
September 12, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Magkakasunod na kinarit ni kamatayan ang lima-katao makaraang madaganan ng cargo truck na nahulog sa banging malapit sa kanal ng National Irrigation Administration (NIA) sa Purok 3, Barangay Tagugpu, Lupon, Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Joselito Canas, 23; Melbert Leones, 19; Albon Ibabao, 19; Rosevelt Genon, 18; at isang alyas Jaymar, 21, pawang mga residente ng Purok Talisay, Seminary Drive, Tagum City. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Joseph Orbeta, driver ng cargo truck na may plakang CAJ-418 na pag-aari ni Gualberto Acero. Sinasabing katatapos lamang maghatid ng construction materials ng trak nang biglang malaglag sa bangin at mahagip ang limang biktima. (Joy Cantos)
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dahil sa matinding selos ng isang lalaki ay nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang kanyang karibal na manliligaw pati na ang napupusuang isang guest relation officer (GRO) sa harap ng Jennela Video Bar sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay San Cristobal, Calamba City, Laguna, kamakalawa. Kabilang sa napatay ay sina Elmer Alquiza, 21 at Jocelle Cuadro, 19, kapwa residente ng Barangay Banay-banay, Cabuyao, Laguna. Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Edwin na tumakas sa direksyon ng Cabuyao. Sugatan naman at ginagamot sa Calamba Doctors Hospital si Roxanne Ortiz na nahagip ng ligaw na bala. (Arnell Ozaeta)
SAN LEONARDO, Neuva Ecija Maagang sinalubong ni kamatayan ang mag-utol na dalagita makaraang masalpok ng van sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Nieves sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Josephine, 14 at Rowen Aragon y Garcia, 11, kapwa residente ng Barangay Balanti, Gapan City. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng L300 van (WRU-856) na si Federico Torres II y Silvestre, 22, ng Lambingan St., Barangay Daan Sarile, Cabanatuan City. Napag-alamang nahagip ang mag-utol habang tumatawid matapos na mag-overtake ang van sa dalawang sasakyan. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang drayber ng van. (Christian Ryan Sta. Ana)
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 61-anyos na general manager ng Philippine National Bank ng mga maskaradong kalalakihan na ikinasugat naman ng dalawa nitong anak sa naganap na karahasan sa Alaminos City, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa ospital, subalit nasawi habang ginagamot ang biktimang si Roger Nara, habang hindi naman natukoy ang mga pangalan ng anak ni Roger na sugatan sa insidente. Napag-alamang naghahapunan ang mag-aama nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng pamilya Nara. Biglang tumayo si Roger kaya pinagbabaril sa pag-aakalang papalag. Hindi matiyak ang halaga ng ari-arian at salapi na nilimas ng mga armadong lalaki na tumakas. (Joy Cantos)
OLONGAPO CITY Pinabulaanan ni Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon Jr., ang napaulat na sangkot siya sa anomalya tungkol sa kontrata para hakutin ang basura sa halagang P27-milyon. Sa ipinadalang ulat ng executive assistance na si Mike Pusing, na gawa-gawa lamang nina Vice Mayor Rolen Paulino at Councilor Noel Atienza ang akusasyon laban sa nabanggit na alkalde. Base sa ulat ni Pusing, walang kontratang namagitan kay Mayor Gordon at Rap Rap trucking Corp., base sa ipinalabas na resolusyon ng mga konsehal na sina Cynthia Cajudo at Marey Beth Marzan na nilagdaan naman ni Elflida Salmon na tumatayong kalihim ng konseho. Dahil sa akusasyon nina Paulino at Atienza laban kay Mayor Gordon ay isinampa ang nasabing kaso sa Ombudsman na ngayon ay dinidinig.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended