Misis ng ex-PC, sekretarya nilikida
September 11, 2006 | 12:00am
Isang asawa ng dating Philippine Constabulary (PC) at sekretarya nito ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin habang naglalakad patungo sa money-lending company ng ginang sa Brgy. Tejero, Cebu City kamakalawa.
Kapwa binawian ng buhay sa Cebu Velez General Hospital bunga ng maraming tama ng bala sina Pilar Hernandez, maybahay ni dating PC Col. Jacob Hernandez at Vivina Pancho, 56-anyos, asawa naman ni ret. Police Inspector Lito Pancho. Ayon sa pamilya ni Hernandez, kaarawan mismo ng ginang nang paslangin ito. Naganap ang pananambang sa mga biktima sa kahabaan ng T. Padilla Extension, Brgy. Tejero ng nasabing lungsod habang ang dalawang biktima ay naglalakad patungo sa PRH Lending Investor na pag-aari ng mga Hernandez pasado alas - 9 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin.
Ang nasabing lending company na itinatag noong 1974 ay nagpapautang sa mga pulis, bumbero at maging sa mga empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology.
Sinabi ni Acting Cebu City Police Dir. Melvin Gayotin, posible umanong isang pulis ang bumaril at nakapatay sa mga biktima dahilan ang ginamit na armas ay isang cal .9mm pistol na iniisyu lamang sa mga pulis.
Lumilitaw naman sa inisyal na pag-iimbentaryo na kinuha ng salarin ang records ng mga pulis na may pagkakautang sa nasabing kumpanya partikular na ang tala ng Regional Mobile Group (RMG), Cebu City Police Office (CCPO) at Cebu Provincial Police Office (CPPO). Patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest