^

Probinsiya

2-anyos dedo sa oil spill, iniimbestigahan

-
Pinag-aaralan ngayon ng Department of Health (DOH) kung may kaugnayan talaga sa oil spill ang pagkamatay ng 2-anyos na batang lalaki sa Guimaras matapos na madeklara ito ng DOH Region 6 na namatay dahil sa kontaminasyon.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na masusi nang bineberipika ang medical records ng biktima na si Alejandro de Castillo Jr. noong Agosto 28.

Sa unang ulat ng DOH-Region 6, nasawi ang bata dahil sa matinding atake sa hika (asthma na dulot umano ng "killer fume" na sumingaw sa nakatambak na oil debris ng halos isang buwan na sa gilid ng kanilang bahay sa Naoway Island, isa sa pinakamalubhang tinamaan ng tagas ng langis ng MV Solar 1.

Una ring kinumpirma ni Region 6 Health Dir. Lydia Depra-Ramos ang pagkamatay ni de Castillo na dulot ng singaw ng oil spill base sa record ng Guimaras Provincial Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival ang bata. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AGOSTO

ALEJANDRO

CASTILLO JR.

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE

GUIMARAS PROVINCIAL HOSPITAL

HEALTH DIR

HEALTH SEC

LYDIA DEPRA-RAMOS

NAOWAY ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with