Most wanted dedo sa shootout

TANAUAN CITY, Batangas – Isang murder suspect ang iniulat na napatay, samantalang sugatan naman ang isang pulis makaraang makipagbarilan ang una sa mga tumutugis na pulisya sa Barangay Pantay Matanda, Tanaun City, Batangas kahapon.

Si Nelson Alano, 22, na tinaguriang ika-7 Most wanted person ng Tanauan PNP sa mga kasong murder at robbery ay napatay ng mga pulis sa naganap na shootout.

Ayon kay P/Supt. Francisco "Kit" Rodriguez, maghahain sana ng warrant of arrest ang pulisya na inisyu ni Judge Herminigildo Lacap ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 83 laban kay Alano nang magtangka itong lumaban.

Hinabol ng mga pulis si Alano sa pangunguna ni PO2 Walter Mercado nang makipagbarilan na ikinasugat ng kaliwang braso ni PO2 Mercado na nagbunsod para gumanti ang mga pulis at mapatay ang suspek. (Arnell Ozaeta)

Show comments