Mister nag-suicide matapos patayin si misis
August 27, 2006 | 12:00am
PADRE BURGOS, Quezon Isang 34-anyos na mister ang iniulat na nag-suicide matapos na mapatay ang sariling misis dahil sa ginawang pakikipaghiwalay ng huli kamakalawa ng umaga sa Barangay Walay, Padre Burgos, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang mister na si Andres de la Cruz, samantala, ang misis nito ay nakilalang si Susana Aldabe, 31.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rax Zabala Jr., dakong alas-10 ng umaga, natagpuan ng mga barangay tanod sa liblib at madamong bahagi ng nabanggit na barangay ang bangkay ng babae na may mga tama ng saksak sa kaliwang dibdib.
Sa follow-up operation ng pulisya, lumalabas na sampung araw nang hiwalay ang mag-asawa dahil sa matinding selos at nang muli magkita ang dalawa kamakalawa ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo na humantong sa pananaksak ng mister sa sariling misis.
Makaraang mapatay ang misis ay itinapon sa damuhan bago nagtungo sa bahay ng kanyang kapatid na lalaki si Andres at doon naman nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sikmura. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest