Traktora vs bus: Magsasaka todas
August 26, 2006 | 12:00am
NUEVA ECIJA Hindi nakapalag sa karit ni kamatayan ang isang 42-anyos na magsasaka, habang kritikal naman ang kasama nito makaraang mabundol ang sinasakyang traktora ng mga biktima ng pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Eliuterio Reyes ng Barangay Malaiba, habang ang kasama nitong si Melencio Cuevas, 27, ay ginagamot sa Gonzales General Hospital. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Baliwag Transit Bus (CVC-343) na si Nomeriano Aguilar, 37, ng Barangay Tabuating, San Leonardo, Nueva Ecija. (Christian Ryan Sta. Ana)
CAMP CRAME Kalaboso ang binagsakan ng tatlo-kat ao kabilang na ang isang guro ng pribadong eskuwelahan makaraang masakote ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa Cebu City, kamakalawa. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Cecil Abayan, 34, ng Sitio Plastikan, Barangay Duljo-Fatima; Imelda Dayanan, at Wilfredo Peligrino. Ang pagkakadakip sa tatlo ay bunsod ng search warrant na inisyu ni Judge Geraldine Faith Econg ng Cebu Regional Trial Court. Ayon sa pulisya, walong plastic sachets ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek, subalit itinanggi naman ni Abayan ang akusasyon. (Joy Cantos)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tinambangan at napatay ang isang pulis ng mga rebeldeng New Peoples Army sa mabundok na bahagi ng Barangay Sugoy sa bayan ng Castilla, Sorsogon kahapon ng umaga. Ang biktima na nakilala sa apelyidong PO1 Paje ay nakatalaga sa 508th Police Provincial Mobile group. Sa inisyal na pagsisiyasat, ang biktima kasama ang ilang pulis ay nagsasagawa ng test mission sa nabanggit na lugar nang tambangan ng mga rebelde. Umabot sa 30-minutong palitan ng putok ang umalingawngaw bago umatras ang mga rebelde sa direksyon ng Albay. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest