^

Probinsiya

Jeepney hulog sa tulay: 2 patay, 18 pa grabe

-
CAMP CRAME – Nauwi sa trahedya ang masayang pagdiriwang ng piyesta ng patron matapos na aksidenteng mahulog sa tulay ang isang pampasaherong jeepney na sinasakyan ng 20 deboto ng Nuestra Señora de Salvacion na ikinasawi ng dalawa-katao habang 18 pa ang nasugatan sa Tabaco City, Albay kahapon.

Idineklarang patay sa Cope General Hospital at Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ang mga biktimang sina Maximo Balictar, 35, ng Buhi at Salvador Aldua ng San Buena na kapwa residente ng Camarines Sur.

Ang mga grabeng nasugatan na kasalukuyang nasa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilala namang sina Mark Sabaroso,12; Purita Castañeda, 61; Roy Niño Franco, 37; Israel Castañeda, 25; Alec Buena, 14; Jun-jun Corba, 25; Angelo Castañeda, 12; Salve Olivia, 16; at Edelloso Sandoval, 42.

Sa ulat ng pulisya, nawalan nang kontrol sa manibela ang drayber ng jeepney na si Salvador Sabaroso matapos na mawalan ng preno ang sasakyan kaya tuluy-tuloy na nahulog sa ilog na sakop ng Barangay Bantayan bandang alas-9 ng umaga.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mga biktima ay mula pa sa bayan ng Buhi at patungong Barangay Joroan sa bayan ng Tiwi, Albay para dumalo sa selebrasyon ng kapiyestahan ng Nuestra Señora de Salvacion. (Joy Cantos at Ed Casulla)

ALBAY

ALEC BUENA

ANGELO CASTA

BARANGAY BANTAYAN

BARANGAY JOROAN

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BUHI

CAMARINES SUR

NUESTRA SE

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with