^

Probinsiya

Kagawad kritikal sa balisong ng kapitbahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PLARIDEL, Quezon, Philippines — Nasa malubhang kalagayan sa ospital ang isang barangay kagawad matapos pagsasaksakin ng kapitbahay sa Barangay Ilosong sa bayang ito, kamakalawa ng umaga. 

Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Elmer Vera Cruz, 47, binata, residente at incumbent barangay councilor habang nakilala lamang ang suspek sa alyas “Danny”, 42,binata, karpintero.

Ayon sa pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at tumatawid sa riles ng tren. Habang bahagya siyang ­nakahinto sa daan ay lumapit ang suspek at inundayan ng sunud-­sunod na saksak gamit ang isang “Balisong” o “bente nueve”. 

Matapos ang pananaksak, naglakad lang papatakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod ng isang tricycle driver sa RAKK Hospital.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with