^

Probinsiya

Jueteng sa Rizal, laganap

-
BINANGONAN, Rizal – Dito sa bayan ng Binangonan, Rizal ay talamak ang jueteng hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa mga kubrador ay pinatatakbo ito ng kapatid ng gobernador na si Mayor Cesar Ynares. Totoo ba ’to?

Maging sa malalayong liblib, partikular na sa isla ng Talim ay may bangka na kung tawagin ay "wetengang bangka" at ayon din sa mga kubrador na taga-isla ng Talim ay tatlong beses magbola ang jueteng. Totoo ba ’to?

Sa isla ng Talim ay si Kapitang Apolonio o Pol ng Barangay Buhangin ang siyang tumatayong kabo sa buong isla ng Talim at sa bayan naman ay nagsisilbing tengang kawali o tahimik ang hepe ng pulisya dahil takot ang kapulisan kay Governor Ito Ynares. Totoo ba ’to?

Sa Pritil o daungan ng bangka ay nagkakasunod ang bangkang sinasakyan ng mga kubrador ng jueteng na binobola ng tatlong beses sa sang-araw. Totoo ba ’to?

Sa bayan ng Binangonan, ang sinasanto ng mga residente ay ang mga Ynares at walang pwedeng bumangga maging ang kapulisan na nagsasabing walang jueteng sa Rizal ay malaking kasinungalingan. Totoo ba ’to?

Ang panawagan ay ipinaabot ng ilang residente sa nabanggit na bayan upang mabigyan ng pansin ng mga kinauukulan para madisiplina ang mga sangkot na opisyal ng lokal na pamahalaan.

BARANGAY BUHANGIN

BINANGONAN

GOVERNOR ITO YNARES

KAPITANG APOLONIO

MAYOR CESAR YNARES

RIZAL

SA PRITIL

TALIM

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with