^

Probinsiya

Mister napagtripang patayin

-
ANTIPOLO CITY, Rizal – Maagang kinarit ni kamatayan ang isang 41-anyos na mister makaraang mapagtripang saksakin ng isang lalaki na pinaniniwalaang adik sa droga sa naganap na karahasan sa Barangay Dela Paz, Antipolo City kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Antipolo District Hospital, subalit idineklarang patay ang biktimang si Dionisio Azuelo ng #225 Kaimito st., Purok Sumulong ng nabanggit na barangay. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Lito Gelo. Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan nang tumayo ito upang bumili ng sigarilyo at habang nakatalikod ay bigla na lang lumapit ang suspek at isinagawa ang pamamaslang. Nakabalik pa sa lugar na pinag-iinuman ang biktima kaya naisugod pa sa nabanggit na ospital, subalit hindi na umabot ng buhay. (Edwin Balasa)
Kawatan ng manok tinodas
HERMOSA, Bataan – Bulagta ang isa sa dalawang hindi kilalang lalaki na nabaril ng isang sundalo ng Phil. Army makaraang maaktuhang nagnanakaw ng panabong na manok sa bakuran ng huli sa Barangay Culis sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng madaling-araw. Sa pagsisiyasat ni SPO3 Deo Vicmudo, bandang alauna ng madaling-araw nang makarinig nang ingay ng manok sa kanyang bakuran si Sgt. Andresinto Anicete kaya agad na tinungo ang pinanggagalingan ng ingay, subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok na ikinasugat ng sundalo. Kahit sugatan ay nakapagpaputok pa si Sgt. Anicete hanggang sa bumulagtang patay ang isa sa magnanakaw habang ang kasamahan nito ay tumakas. (Jonie Capalaran)
P 2-M shabu nasamsam
CAMP CRAME – Umaabot sa P2 milyong shabu (methamphetamine hydrochloride) ang nasamsam ng pulisya makaraang masakote ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang notoryus drug pusher sa isinagawang drug bust operation sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Sahid Nandang at Mariam Nandang na pawang residente ng Barangay Dalapang, Labangan, Zamboanga del Sur. Ang dalawa ay nasakote sa loob ng pampasaherong bus na Super 5 na may rutang Pagadian City. Bago isagawa ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa planong pagpupuslit ng droga kaya’t agad na pumoste sa terminal ng bus ang mga awtoridad. Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na makumpiskahan ng 1,013 kilong shabu (P2,026,000.00). (Joy Cantos)

ANDRESINTO ANICETE

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY CULIS

BARANGAY DALAPANG

BARANGAY DELA PAZ

DEO VICMUDO

DIONISIO AZUELO

EDWIN BALASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with