P3-M ari-arian naabo
July 27, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Aabot sa P 3-milyong ari-arian ang naabo makaraang masunog ang Polangui North Central School habang nasugatan naman ang isang bombero sa Barangay Centro Occidental sa bayan ng Polangui, Albay kahapon ng madaling-araw. Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-12:15 ng madaling-araw matapos na mag-overload ang boltahe ng kuryente sa isang silid-aralan. Naapula naman ang apoy ganap na alas-12:45 ng madaling-araw dahil sa maagap na responde ng mga pamatay-sunog habang ginagamot naman ang nasugatang si SFO1 Glen Rodrigueza. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang tunay na pinagmulan ng apoy. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended