Jeep salpok sa pader, 3 patay
July 26, 2006 | 12:00am
CAVITE Masaklap na kamatayan ang sinapit ng tatlong sibilyan na ikinasugat naman ng malubha ng dalawa pang iba makaraang sumalpok ang sinasakyang owner-type jeep ng mga biktima sa kongretong pader sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay Lalaan 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.
Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Nomeriano Parducho Y Lanceta, 20; Donnie Rey Alfonso Y Sulit, 20, na kapwa residente ng Barangay Maguyam; at Benidict Sulit.
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa De La Salle University Hospital sa bayan ng Dasmariñas ang mga sugatang biktimang sina Raymund Pascual at Bernadette Dela Cruz.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Montano Ambit, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber owner-type jeep (VCU-551) na si Parducho dahil sa pag-iwas sa kasalubong na sasakyan kaya bumalandra sa steel railing ng nabanggit na highway bago sumalpok sa pader.
Pisak sa loob ng sasakyan ang tatlo, habang ang dalawa ay tumilapon.
May teorya ang pulisya na naka-idlip ang drayber sa pagmamaneho dahil alauna y medya na ng madaling-araw nang maganap ang sakuna. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest