Mag-ama pinalamon sa mga uod
July 18, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama sa kamay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan makaraang ratratin ay inilibing sa mababaw na hukay upang ipalamon sa mga uod sa Sitio Tabgon, Barangay Joroan sa bayan ng Tiwi, Albay kamakalawa.
Ang mga labi ng mag-amang naaagnas na nang matagpuan ng isang magsasaka ay nakilalang sina Jose Isidro, 44 at Michael Isidro, 25, kapwa may asawa at magsasaka ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng mag-ama ay nadiskubre dakong alas-11 ng umaga kahapon na nakabaon sa mababaw na hukay at may palatandaang pinahirapan bago paslangin.
Agad naman ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang nadiskubreng krimen kaya mabilis na tinungo ang pinaglibingan sa mag-ama na nilalamon na ng mga uod.
Napag-alamang unang iniulat na nawawala ang mag-ama noong Miyerkules (July 12) matapos na magtungo sa pag-aaring lupang sinasaka.
Dahil sa pag-aalala ng mga kasambahay ng mag-ama dahil sa tatlong araw nang hindi umuuwi ay nagkanya-kanyang naghanap hanggang sa matagpuan ang mga bangkay sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay.
Naniniwala ang pulisya na inakalang mga tiktik ng pamahalaan ang mag-amang magsasaka na nagbibigay ng impormasyon sa pulisya at military kaya pinatahimik. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest