Mayor na napahiya, nag-amok?
July 5, 2006 | 12:00am
BATAAN Matinding tensyon ang bumalot sa ilang bahagi ng bayan ng Morong sa pag-aakalang sumiklab ang madugong sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at pulisya matapos na mag-amok ang isang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan sa gilid ng munisipyo noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa isang opisyal ng pulisya na tumangging magpabanggit ng pangalan, pinaniniwalaang lango sa alak si Morong Mayor Burt Linao nang magpaputok ito ng malalakas na kalibre ng baril sa tapat ng kanyang bahay na malapit lamang sa police station at katabi ng municipal hall sa pagitan ng alas-89 ng gabi noong Hunyo 29.
Napag-alamang nagalit si Mayor Linao nang mapahiya ito dahil hindi pinagbigyan ni P/Insp. Ricardo Santiago, deputy chief ng Morong PNP, ang kahilingang pakawalan ang nadakip na suspek sa gang rape noong 2003 na si Allan Villaluna, na anak ng isang ward leader ni Linao.
Sinabi ni Police Insp. Santiago, nakiusap naman si Linao na pawalan na ang suspek matapos itong madakip noong nakalipas na linggo, subalit hindi pinagbigyan ng nabanggit na opisyal dahil bukod sa heinous crime and rape case ay kabilang din si Villaluna sa 10 most wanted person sa Bataan.
Nabatid sa source na kinabukasan din ay agad na binawi ni Mayor Linao, ang ibinigay na computer set sa loob ng police station, kasama sa pinakuha ay ang aircon unit at pagkatapos ay pinaputol ang linya ng kuryente at tubig sa nasabing istasyon ng pulisya.
Ayon pa sa source, nagbanta rin si Linao na kanyang ipapa-relieve si Santiago.
Kaugnay nito, tinangka ng PSN na hingan ng panig si Mayor Linao kaugnay sa nasabing isyu, subalit ang kanyang drayber na si Resty ang sumagot sa kanyang mobile phone at nang muli itong tawagan ng PSN ay pinagpatayan na ng cell phone. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended