Suspek sa pagnanakaw, tiklo sa kalasingan
July 3, 2006 | 12:00am
SCIENCE CITY OF MUÑOZ Dahil sa sobrang kalasingan at pagyayabang sa kaibigan matapos magpakita ng maraming pera, natiklo at naaresto ang isang 19-anyos na binatang school drop-out na nanloob umano sa bahay ng isang Japayuki at tumangay ng humigit kumulang P4.46 milyong pera at mga alahas sa Barangay Poblacion West ng lungsod na ito.
Kinilala ni P/Supt. Fernando L. Galang, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Nolan Ocampo alyas Ulek, ng Poblacion West. Siya ay nakakulong sa City Jail sa kasong qualified theft kabilang ang anim pang kasabwat theft.
Ang suspek ay naaresto ng pulisya tatlong araw matapos maganap ang pagnanakaw.
Habang nakikipag-inuman umano ang suspek sa mga ka-lugar ay di nakapagpigil ito na magmayabang at magpakita ng maraming pera at supot ng plastic na puno ng mga alahas dahilan upang inguso siya sa pulisya ng nag-iimbestiga sa kaso na sina PO3 Juanito Santiago at SPO3 Rodentor Honorio.
Sa report, pinasok at pinagnakawan ng suspek ang bahay na pag-aari ni Leonarda Sibayan Yoshida, 39, na naninirahan sa bansang Japan kasama ang asawang Hapon. Nadiskubre ang nakawan ni Alvin Sibayan, batang kapatid ni Yoshida, dakong alas-8 ng umaga nang maglinis ito sa masters bed room sa ikalawang palapag ng bahay at nakitang sira ang pintuan. Basag umano ang salamin ng bintana at nasira ang kaha de yero na kinalalagyan ng mga alahas na ninakaw.
Itinuro ni Sibayan sa pulis si Ocampo dahil sa rekord nitong pagnanakaw sa lugar. Isang bakas ng fingerprint na naiwan ng magnanakaw sa salamin ng bintana na tumatama sa fingerprint ni Ocampo, ayon kay Galang.
Ilan sa ninakaw na alahas ay natagpuan sa pinagsanlaang pawnshop at ang iba ay nabawi sa kanyang kasabwat.
Bukod sa suspek na si Ocampo na sinampahan na ng kaukulang kaso ay sinampahan din ng kasong qualified theft ang mga itinuturong kasabwat ng suspek na sina Dindo Medrano, Dover Medrano alyas Obet, Oliver Onoya alyas Guido, Bernie Saberit, Vangie Saberit at Vilma Dolor, pawang ng taga-Pob. West, na nakalalaya pa. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended