LTO employee, 1 pa arestado sa carnapping
July 1, 2006 | 12:00am
CAVITE Naaresto ng mga operatiba ng Cavite Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang hinihinalang miyembro ng carnapping gang kabilang ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) makaraan ang operasyong "Oplan Clean Sweep at Paglalansag Omega" sa Brgy. Pulido Gen. Mariano Alvares, lalawigang ito kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Elwin Fernadez Provincial Officer ng Cavite CIDG ang mga suspek na sina Redentor Centeno, 43, may-asawa, empleyado ng LTO - Pasay City at residente ng Brgy. Pulido, GMA, Cavite at Jose Marco, 23, binata, negosyante at residente ng Phase 3, GMA, Cavite.
Batay sa report, ganap na alas-5 ng hapon nang madakip ang mga suspek matapos na masabat ang mga ito ng grupo ng CIDG sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang walang plakang Honda wave motorcycle na kulay asul na pag aari ng isang Mrs Annabel Rebollo ng Phase 1, Mabuhay City Paliparan, Dasmariñas Cavite at isang Cannibalized Honda MC na tampered/defaced motor at chassis nito.
Ang motorsiklo ni Gng. Rebollo ay tinangay ng di kilalang suspek habang ito ay naka-park
Sa imbestigasyon si Centeno ay direktang kontak umano ng mga carnapper at si Marco ang taga-benta ng mga carnapped na sasakyan sa mga kontak na buyer nito.
Ito ay ayon na rin sa mga kapwa carnapper na nakilala sa mga alyas na Popoy at Nog na pawang mga taga-Laguna.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng fallow-up operation ang mga awtoridad upang madakip ang ibang kasamahan ng mga suspek na bumibiktima sa ibat ibang lalawigan. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am