^

Probinsiya

Rider nag-trigger happy: 3 nadaanan binaril, kritikal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang malubhang nasugatan sa pamamaril ng nag-iisang armadong motorcycle rider na nag-trigger happy sa magkakahiwalay na insidente sa Silay City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Silay City Police, kinilala ang mga biktima sa mga pangalan lamang na
Chris, 47, security guard; Fernando; pawang ng lungsod, at Wil, 45, ng Victorias City; pawang ng lalawigang ito.

Base sa imbestigas­yon, ang insidente ay naganap sa Brgy. Lantad at Brgy Rizal, Silay City noong Hulyo 10.

Ayon sa pulisya, ang gunman na may dalawang linggo lamang sa lugar ay nagtungo lamang sa kaniyang pinsan para magbakasyon nang masangkot sa pamamaril.

Ang biktimang si Chris ay nagmamaneho ng motorsiklo nang mapadaan siya sa Brgy. Lantad nang barilin ng suspect sa hita.
Ang suspect ay nagtungo naman sa Brgy. Rizal at isinunod na binaril si Fernando habang nagbibisikleta kung saan ay tinamaan sa tiyan.

Ang isa pang biktima na si Wil na nagmamaneho rin ng motorsiklo sa Brgy. Lantad ay binaril din ng suspect sa pagbalik nito sa lugar na tinamaan naman sa katawan.

Isinugod naman ang mga biktima sa pagamutan na patuloy na nilalapatan ng lunas.

Sa pahayag sa pulisya ng mga kamag-anak ng suspect, armado ito ng cal. 45 pistol ay may halusinasyon umano at tila wala sa sarili.

BARIL

LANTAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with