Kabilang sa mga nasawing pasahero ay sina Daisy La Torre, Elinor Quinsayas, Bebot Hombre, at Mo Kyen Co, isang Vietnamese national, samantala, ang isa pang nasawi na napugutan ay bineberipika pa ang pagkikilanlan.
Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga sugatang sina Jenalyn La Torre, Mercy Young, Genry Young, Allan Calada, Rudy Quilonia, Pedincio Obon, Ester Hermino, Anabel Catalogo, Dodong Hombre, Jano Hombre, Lita Tominio, Elinor Tominio, Joseph Amidao, Cuby Tominio, Adrian Tominio, Jinky Nofes, Nena Elbahe, Raffy Elbahe, Catalina Ero, Pedro Ero, Rachiel Centino, Jomarie Centino, Riza Rivera, Lorna Angeles, Teodoro Tan, Ed Marcaida, David Sia, Rolando Calisan-Co drayber ng bus at Dexter Berjuega, drayber ng cargo truck na pawang residente ng Eastern Samar.
Naitala ang sakuna dakong alas-3 ng madaling-araw habang tinatahak ng Villegas Bus Liner (HVH 949) ang kahabaan ng Maharlika Highway patungong Samar mula sa Maynila.
Pagsapit sa kurbadang lansangan ng bus ay hindi nakontrol ng drayber ang manibela kaya biglang tumagilid at nagsigawan ang mga pasahero.
Napag-alamang sinalpok ng cargo truck ( UEK 752) na patungong Legazpi City mula sa Sorsogon ang likurang bahagi ng bus kaya bumalandra sa gitna ng kalsada ang dalawang sasakyan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Phil. Army na nakabase sa bayan ng Villahermosa at Regional Mobile Group sa pamumuno ni P/Senior Supt. Gil Hitosis hanggang sa maisugod sa nasabing ospital ang mga sugatang biktima.
Sasagutin naman ng may-ari ng pampasaherong bus ang gastusin sa pagpapalibing at pagpapagamot sa mga sugatan. (Ed Casulla at Joy Cantos)