^

Probinsiya

Pinagtanggol si ‘Pacman’ tinodas

-
CAVITE — Dahil sa pagtatanggol sa idolong boksingero na si Manny "Pacman" Pacquiao ay walang nagawa sa kalawit ni kamatayan ang isang traysikel drayber makaraang saksakin ng kainumang kaibigan sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite kamakalawa.

Labing-isang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Leonardo Papa y Tampol, 38, ng nabanggit na barangay.

Kasalukuyan namang naghihimas ng rehas na bakal matapos na madakip ng pulisya ang suspek na si Edgar Cruz, 42, kapitbahay ng biktima sa naturang lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Richard Atienza, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang nag-iinuman ng alak ang ilang kalalakihan kabilang na biktima at suspek.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa tungkol sa laban nina Pacman at Larios sa darating na Hulyo 2.

Nairita ang biktima at sinigawan ang suspek sa tinuran nitong na pababagsakin ni Larios si Pacman.

Dahil sa napahiya ang suspek sa ilang kapitbahay ay agad na umalis at sa pag-aakalang tapos na ang away ay payapang nagpatuloy sa inuman ang biktima at mga kaibigan nito.

Subalit, ilang saglit pa ay bumalik ang suspek na senglot na may hawak na patalim at sunud-sunod na inundayan ng saskak hanggang sa bumulagta ang biktima.

Naisugod pa sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktima, subalit idineklarang patay. (Lolit Yamsuan at Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY IBAYO SILANGAN

CRISTINA TIMBANG

DAHIL

EDGAR CRUZ

LARIOS

LEONARDO PAPA

LOLIT YAMSUAN

PACMAN

RICHARD ATIENZA

SAN LORENZO RUIZ HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with