Trader kinidnap ng NBI
June 19, 2006 | 12:00am
BATANGAS CITY Malaking palaisipan sa mga awtoridad ng lungsod na ito sa pagkakadukot sa isang mayamang negosyante ng apat na armadong kalalakihan na nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) habang papalabas sa isang sabungan kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Sr. Supt. Francisco Don Montenegro, Batangas Police Director masusi nilang iniimbestigahan ang umanoy pagdukot ng mga suspek sa negosyanteng si Precioso Macatangay, may-asawa, may-ari ng Macro Lodge. Macsor Hotel at Maphet Wine House at residente ng Barangay Gulod Itaas sa Batangas City.
Ani Montenegro, bandang ala-1:40 ng umaga, papauwi na sana si Macatangay matapos magsabong sa San Pascual Sports Complex nang hampasin siya ng baril ng isa sa apat na suspek sa parking lot ng nasabing sabungan.
Hindi na nagawa pang makasakay sa kanyang maroon Toyota Hi-lux pick-up(VDR-818) ang biktima ng sapilitang isakay siya sa isang Toyota Blue Revo utility vehicle na minamaneho ng mga suspek.
Ayon sa isang saksi, nakita nito na mabilis na rumaragasa ang apat na sasakyan kasama ang sasakyan ni Macatangay papalabas ng sabungan sakop sa boundary ng Brgy. Danglayan sa San Pascual at Sta Rita, Batangas City, patungo sa di pa malamang direksyon. Subalit bandang tanghali ng Linggo, natagpuan ng mga awtoridad ang abandonadong sasakyan ni Macatangay sa isang bahagi ng San Jose, Del Monte, Bulacan.
Narekober ng pulis ang ginamit na lubid na pinantali umano kay Macatangay pero walang bakas ng katawan ng biktima.
Ginamit pa umano ng mga suspek ang credit card ni Macatangay para magkarga ng gasolina sa Shell Gas station na matatagpuan sa loob ng South Luzon Expressway bandang alas-4:45 ng umaga at nag-withdraw ng P9,800 cash sa isang banko sa Congressional Avenue sa Quezon City bandang alas-7:30 ng umaga.
Nilinaw naman ng NBI sa Batangas Police na wala silang operasyon sa nabanggit na lugar at laban sa negosyanteng si Macatangay. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest