Ulo tinagpas ng magsasaka
June 12, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal Walang kalaban-labang napaslang ang isang 40-anyos na lalaki na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip makaraang tagpasin ang ulo nito ng isang magbubuko na naasar sa panloloko ng una, kahapon ng umaga sa Barangay Masinag ng nabanggit na lungsod.
Duguang bumulagta ang biktimang si Emmanuel Guevarra ng Sitio Gulod, Marist Village, Barangay Mayamot, Antipolo City.
Samantala, agad na tumakas ang suspek na si Rodolfo Sabelonia, buko vendor at nakatira sa Sitio Kamias 3, Barangay Mambugan ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PO2 Rodel Druja, naitala ang krimen dakong alas-9 ng umaga sa palengkeng sakop ng Masinag ng nasabing barangay.
Nabatid na kasalukuyang nagtitinda ng buko ang suspek nang asarin ng biktimang napag-alamang may diperensya sa pag-iisip.
Dahil sa pagod na sa kakatinda at ayaw pa rin itong tigilan ng makulit na biktima ay nagalit ang suspek at agad na kinuha ang itak na pantagpas ng buko saka tinagpas ang leeg. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended