Parak binutasan sa ulo
May 25, 2006 | 12:00am
CAVITE Hindi na umabot sa garahe ng kanyang pampasaherong dyipni ang isang 38-anyos na pulis na nagsa-sideline matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng kanyang nakaalitang pasahero sa bayan ng General Trias noong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Superintendent Benjardi Mantele, police provincial director, ang biktimang si PO2 Edgardo Lontoc ng Barangay Mataas na Kahoy sa bayan ng Indang, Cavite at nakatalaga sa himpilan ng pulisya saTrece Martirez City.
Base sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi, papauwi na sana si PO2 Lontoc mula sa pagpapasada ng pag-aaring pampasaherong dyipni (DNY-249) nang makipagtalo sa isang lalaking pasahero sa hindi pa rin nabatid na dahilan.
Napag-alamang nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapan ng dalawa hanggang sa humantong sa pamamaril pagsapit sa kahabaan ng Governors Drive sa Barangay Manggahan.
Dead-on-the spot si PO2 Lontoc matapos magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang ulo.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek sa madilim na bahagi ng nasabing lugar at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. (Arnell Ozaeta, Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest