^

Probinsiya

Multo sa celfon, kumakalat

- Ni Tony Sandoval -
LUCENA CITY, Quezon – Naging usap-usapan ngayon sa Lucena City ang multo ng isang babae na lumitaw sa likuran ng tatlong nursing students na nagpakuha ng larawan sa Quezon Medical Center sa pamamagitan ng camera sa celfon.

Ayon kay Jhonny Glorioso, correspondent ng ABS-CBN sa Quezon, na siya man ay namangha makaraang matanggap ng kanyang celfon mula sa kakilala ang larawan.

Kaagad na ipinasuri ni Glorioso sa mga eksperto ang larawang kuha sa celfon para malaman kung ito ay niretoke, subalit maging ang operator ng White House Studio ay namangha rin at nagsabi na totoo ang nasa larawan.

Nasa larawan ang tatlong estudyante ng Sacred Heart College (SHC) na masayang naka-pose sa loob ng nursery ng QMC. Sa kanilang likurang ay naroon ang isang bintana na kinalalagyan ng image ng white lady.

Sinubukang kausapin ng mga mamamahayag ang tatlong nursing intern upang kunin na rin ang kanilang mga pangalan, subalit tumangging magsalita dahil sa pangambang magkaroon ng kakaibang pananaw ang pamunuan ng kanilang paaralan na nasasaklaw ng mga madre.

Maging ang pamunuan ng QMC ay hindi rin nagbibigay ng pahayag tungkol dito kung kayat ngayon ay patuloy na nagtatanong ang mga residente ng nabanggit na lungsod kung totoo kaya ang multo sa celfon o likha lamang ito ng mga eksperto.

vuukle comment

AYON

JHONNY GLORIOSO

KAAGAD

LUCENA CITY

QUEZON

QUEZON MEDICAL CENTER

SACRED HEART COLLEGE

SINUBUKANG

WHITE HOUSE STUDIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with