^

Probinsiya

Paralitiko hinatulan ng life

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Ikinagulat ng marami ang hatol ng korte na habambuhay na pagkabilanggo laban sa isang paralitiko at pinsan nitong babae na akusado sa kasong panggagahasa sa isang 17-anyos na katulong noong Setyembre 2003 sa Barangay Langka, Meycauayan, Bulacan.

Sa 18-pahinang desisyon ni Judge Andres Soriano ng Malolos Regional Trial Court, Branch 13, napatunayang nagkasala sina Ronald Quesada, 39; at pinsang nitong si Kristin Cardoza-Ocampo, 21, sa kasong panggagahasa laban sa biktimang itinago sa pangalang Flor na isang katulong ng kapitbahay ng mga Quesada na sina Paul at Amy Galang.

Inatasan din ng korte na magbayad ng P50,000 ang magpinsan sa biktima. Sa rekord ng korte, dalawang beses na ginahasa ni Quesada ang biktima noong Setyembre 15, 2003 sa ikalawang palapag ng kanilang paupahang apartment sa nabanggit na barangay.

Sa kanyang malayang salaysay sa Korte, sinabi ng biktima na siya ay 17-anyos noong siya ay gahasain ni Quesada sa tulong ng pinsang si Ocampo.

Pinabulaanan naman ni Quesada ang akusasyon dahil sa pagiging isang paralitiko noong siya ay bata pa. Iginiit din niya na naimpluwensiyahan lamang ang biktima ng ibang tao kaya nagsampa ng kaso.

Tumestigo rin si Melvin Maramot, isang physical therapist para kay Quesada, subalit hindi rin nakumbinse si Judge Soriano, kaya habambuhay na pagkakulong ang inihatol.

"Mag-aapela na lang kami sa Court of Appeals," ani Quesada sa panayam ng PSN. (Dino Balabo)

AMY GALANG

BARANGAY LANGKA

BULACAN

COURT OF APPEALS

DINO BALABO

JUDGE ANDRES SORIANO

JUDGE SORIANO

KRISTIN CARDOZA-OCAMPO

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT

MELVIN MARAMOT

QUESADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with