^

Probinsiya

Hepe ng CARP dinedo ng mga magsasaka

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang alitan sa pinag-aagawang lupain kaya niratrat hanggang sa mapatay ang isang chairman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Beneficiaries Association ng nagsipag-alburutong grupo ng magsasaka sa Hacienda Cambuktot sa Barangay Mansalanao, La Castellana, Negros Occidental, kamakalawa.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mario Domingo, samantalang positibo namang nakilala ng mga testigo ang mga suspek na sina Romulo Ellano Jr., alyas "Ka Sword," 43, dating rebeldeng NPA; Eduardo Semillano, Joepet Ariasa, Lito Selvino at 16 pang magsasaka.

Nabatid na ang mga suspek ay mula sa grupong nagsisipag-alburutong magsasaka na hindi napabilang sa nakakuha ng benepisyo sa ipamamahaging lupa ng pamahalaan sa ilalim ng CARP ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Napag-alamang nauna nang humingi ng tulong para sa kaniyang seguridad ang biktima sa mga elemento ng Police Regional Mobile Group matapos na mabigo ang negosasyon sa hanay ng grupo ng mga nagsisipag-alburutong magsasaka na naghahangad na i-award na lamang sa kanila ang lupaing sinasaka.

Gayon pa man, bago pa makapagresponde ang mga awtoridad ay galit na pinagbabaril ng grupong magsasaka ang biktima na pinaniniwalaang pinagdiskitahan matapos na hindi mapasama ang kanilang pangalan sa mga CARP beneficiaries.

BARANGAY MANSALANAO

BENEFICIARIES ASSOCIATION

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

EDUARDO SEMILLANO

HACIENDA CAMBUKTOT

JOEPET ARIASA

KA SWORD

LA CASTELLANA

LITO SELVINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with