Binata uminom ng pesticide, patay
May 14, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Dahil sa pagpapakasal ng girlfriend sa ibang lalaki, isang binata ang hindi matanggap ang kanyang kabiguan na naging dahilan ng pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide kamakalawa sa Brgy. Sta. Cruz, Lubao ng lalawigang ito.
Kinilala ni Police Supt. Edwin Mangaliman, hepe ng Lubao Police Station ang biktima na si Fernan Salian, 26, tubong-Sto. Niño sa Davao City at stay-in worker sa Quinto Farm Line sa naturang lugar.
Si Salian ay nagtitinda ng mga pang-agrikulturang mga gamot o pesticide tulad ng cyanide at marami pa.
Huling nakita ang biktima sa mismong lugar na kung saan ay nakitaan ng matinding kalungkutan sa mukha matapos ang ginawang pagpapakasal ng kanyang girlfriend na hindi na nabanggit ang pangalan sa ibang lalaki na kapitbahay lamang nito.
Nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima nang hanapin siya ng kanyang amo na nagtataka kung bakit tanghali na ay wala pa ito sa mismong tindahan ng mga gamot nila doon.
Dahil dito, agad na tinungo ang kuwarto ng biktima at laking mangha ng amo nang makitang nakahandusay ito at bumubula ang bibig nito bunga ng pag-inom nito ng pesticide.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, walang nakitang "foul play" sa insidente. (Resty Salvador)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended