Globe cell site niratrat

CAMP CRAME – Isa na namang Globe cell site Telecommunications ang sinabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos ratratin ang microwave antenna nito sa Zone 8, Bulan, Sorsogon kamakalawa. Ayon kay AFP-PIO chief Col. Tristan Kison, naitala ang insidente dakong alas-3:29 ng madaling-araw habang tahimik ang paligid ng nabanggit na lugar. May teorya ang mga awtoridad na may kaugnayan sa hindi pagbibigay ng buwis sa maka-Kaliwang Kilusan ng may-ari ng nasabing cell site. (Joy Cantos)
Henchman ng Sayyaf timbog
CAMP CRAME — Nalambat ng mga kawal ng Army’s 1st Infantry Division ang itinuturing na henchman ng isa sa napatay na lider ng grupong Abu Sayyaf na si Hamsiraji Salih sa isinagawang operasyon sa Barangay Kumalarang, Isabela City, Basilan kamakalawa. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Komon Pael alyas Abu Bara. Si Pael ay sangkot sa serye ng kidnapping-for-ransom sa ilang bahagi ng Basilan at Sulu partikular na noong nabubuhay pa si Salih. Base sa tala ng AFP, si Salih na anim na warrant of arrest mula sa Jolo at Basilan Regional Trial Court may patong sa ulong P 5 milyon ay napatay sa engkuwentro sa pagitan ng militar sa Basilan noong Abril 2004. (Joy Cantos)

Show comments