Indonesian terrorist isasalba ng JI
April 26, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Planong lusubin ng mga teroristang Jemaah Islamiyah (JI) ang provincial jail ng South Cotabato upang iligtas ang tinaguriang ika-2 Indonesian terrorist na si Taufek Refke.
Dahil dito, kaagad na inalerto ng mga kinuukulan ang South Cotabato Provincial Jail matapos matanggap ang naturang intelligence report.
Ayon kay P/Supt. Nilo Sintin, hepe ng nabanggit na bilangguan na naglatag na sila ng kaukulang security measures upang mapigilan ang anumang masamang balak ng Jemaah Islamiyah para iligtas ang kanilang lider na si Refke, isa sa pinakamataas na opisyal ng JI sa bansa.
Ayon kay Sintin, lalong hinigpitan ang seguridad sa loob at labas ng kulungan habang pinataasan na rin ang perimeter fence ng bilangguan na malapit sa isang squatters area.
Napag-alamang si Refke, ay sinampahan ng kasong kriminal kaugnay ng pambobomba sa palengke ng Koronadal City noong Mayo 2003 na ikinasawi ng siyam katao habang marami pa ang nasugatan.
Base sa talaan, si Refke na isang overstaying alien sa bansa ay nasakote sa Cotabato City noong Oktubre 2003 at ibiniyahe pa sa Metro Manila para iharap kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kabilang sa mga trainor ni Refke ay si Indonesian terrorist Fathur Rohman Al -Ghozi na napatay sa shootout sa lalawigan ng Cotabato noong 2003. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest