Habambuhay sa 2 obrero
April 21, 2006 | 12:00am
BALER, Aurora Dalawang obrero ang hinatulan ng lokal na korte na mabilanggo nang habambuhay matapos na mapatunayan sa kasong rape laban sa isang 19-anyos na dalaga noong Setyembre 3, 2004 sa Barangay Sabang, Baler, Aurora.
Sa 23-pahinang desisyon na nilagdaan ni Judge Armando Yanga ng Baler Regional Trial Court, Branch 66, napatunayan ng korte na guilty beyond reasonable doubt ang magkaibigang akusado na sina Mario Magno, 28; at Antonio Velano, 20, kapwa naninirahan sa Barangay Suklayin, Baler.
Inatasan din ng korte na bayaran ng mga akusado ang biktima ng halagang P.1 milyon bilang danyos perwisyo.
Base sa rekord ng korte, hinarang ng mga akusado ang biktima habang naglalakad kasama ang nobyo.
Dahil sa may hawak na patalim at baril ang dalawa ay nagawa ang maitim na balak laban sa dalaga habang itinali ang nobyo may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.
Binalewala ng korte ang mga alibi ng dalawang akusado, bagkus ay binigyan timbang ang testimonya ng biktima partikular na ang mga isinumiteng ebidensya laban sa mga akusado. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Victor Martin | 11 hours ago
By Omar Padilla | 11 hours ago
Recommended