4-katao biktima ng karahasan
April 20, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Apat na kalalakihan ang iniulat na pinaslang sa loob lamang ng 24-oras sa patuloy na karahasan sa magkakahiwalay na bayan ng Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya.
Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Benedict Michael Fokno, Bulacan provincial director, kabilang sa mga bayan na nagpapatuloy ang karahasan ay ang San Miguel, Meycauayan, Guiguinto at San Ildefonso.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Nael Francisco, 70, ng Sitio Bakal, Barangay San Juan, San Miguel; Medel Medalla, kolektor ng San Pablo Multi-purpose Coop., Inc.; Fernando Manicad y de Leon at isang hindi pa nakikilalang lalaki na nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos.
Ayon sa ulat, si Francisco ay pinagbabaril ng dalawang maskaradong kalalakihan sa kanilang bahay kasama ang kanyang asawang si Fely na nakaligtas noong Lunes ng umaga.
Samantala, binaril at napatay si Medalla ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakasakay sa motorsiklo matapos na maningil ng pautang ng kooperatiba sa Barangay Calvario, Meycauayan.
Binaril din sa ulo ng kasamahang traysikel drayber si Manicad habang naghihintay ng pasahero sa kanilang terminal sa Guiguinto noong Lunes ng hapon.
Nasugatan ang kanyang pinsan na si Dionisio Hipolito na isa rin tricycle drive matapos barilin ng suspek na si Primitivo Raymundo y De Vega, 60.
Ayon kay Barangay Captain Benito Francisco ng Barangay Sapang Dayap, San Ildefonso na may pinatay na lalaki naka-itim na t-shirt at maong na pantalon sa kanilang lugar bandang alas-9 ng umaga noong Martes.
Ayon sa pulisya, ang biktima na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ay may taas na 55 talampahan at nakatali ang mga kamay ng nylon cord at maraming tama ng bala sa katawan. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest