^

Probinsiya

Feeding program sa Semana Santa

-
OLONGAPO CITY — Aabot sa 200 kabataan na karamihan ay pawang mga kapus-palad na naninirahan sa ilang depressed area sa nabanggit na lungsod ang nabiyayaan ng libreng pagkain at relief goods sa inilunsad na feeding program ni Olongapo City Vice Mayor Rolen Paulino noong Linggo ng umaga.

Personal na pinangunahan nina Olongapo Vice Mayor Paulino at ni Councilor Atty. Noel Atienza, ang feeding program sa mga kabataan na layuning makatulong kahit pagpapakain lamang sa darating na Semana Santa.

Ayon kay Paulino, ang mga Barangay Kalaklan, Gordon Heights, Balic-Balic at Sta. Rita ang ilang mga depressed area sa nabanggit na lungsod kung saan napag-alamang kulang sa sapat na pagkain ang mga kabataan kung kayat binuo nila ang feeding program na kahit kaunti ay maibsan ang kulo ng kanilang tiyan.

Napag-alaman pa na ilan sa mga magulang ay walang trabaho o kaya naman mga basurero at may ilan din na taga-kolekta ng basura sa Environment Sanitary Management Office (ESMO).

Inamin ni Paulino na minsan ay nahihirapan din sila sa mga inilulunsad na programa dahil walang pondo ang inilaan sa opisina ng vice mayor at iginiit na kulang sa suporta mula sa lokal na pamahalaang lungsod kung kayat sa sarili nilang bulsa nanggagaling ang pondo na pambili ng mga pagkain.

Idinagdag pa ni Paulino na bahagi rin ng kanyang programa ang isabay bilang kanilang panata sa Semana Santa. (Jeff Tombado)

vuukle comment

BARANGAY KALAKLAN

COUNCILOR ATTY

ENVIRONMENT SANITARY MANAGEMENT OFFICE

GORDON HEIGHTS

JEFF TOMBADO

NOEL ATIENZA

OLONGAPO CITY VICE MAYOR ROLEN PAULINO

PAULINO

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with