^

Probinsiya

PNP official, 2 pa tiklo sa kidnapping

-
BINANGONAN, Rizal – Tatlo-katao na kinabibilangan ng isang opisyal ng pulisya at civilian agent ng Presidential Security Group ang natimbog ng mga awtoridad matapos na mangidnap ng apat na negosyanteng Bumbay sa nabanggit na bayan.

Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina P/Insp. Rex Infante, alyas Bong, 29, nakadestino sa Bureau of Immigration and Deportation (BID); Vincent Goloran, 29, ex-BID agent, ng Sta. Mesa Heights, Quezon City; at Dennis Balbin, 39, civilian agent ng PSG, ng Kingstown II, Subd. Bagombong, Caloocan City.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong 4 counts ng kidnapping matapos na dukutin at ipatubos sa kanilang pamilya ang mga biktimang sina Harvinder Singh, 35; Jaskaran Singh, Jaswinder Singh, 25; at Sandeep Singh, 22.

Ayon kay P/Supt. Reymundo Oliquiano, hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan, ang mga suspek ay lulan ng Toyota Revo (XAR-326) at Mitsubishi Lancer (WAV-833) nang maispatan ng pulisya na sakay din ang dalawang biktimang sina Harvinder at Jaskaran na tangkang ipatubos sa kanilang pamilya matapos na dukutin.

Napag-alamang habang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Binangonan sina Goloran at Balbin ay lumutang si P/Insp. Infante para ayusin ang kaso ng dalawang suspek, subalit namukhaan ito ng dalawa pang biktima na sina Jaswinder at Sandeep na siyang kumidnap sa kanila noong Abril 6. (Edwin Balasa)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CALOOCAN CITY

DENNIS BALBIN

EDWIN BALASA

HARVINDER SINGH

JASKARAN SINGH

JASWINDER SINGH

MESA HEIGHTS

MITSUBISHI LANCER

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with