P2-M palengke naabo
March 31, 2006 | 12:00am
CAVITE Aabot sa P2 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang palengke na may 30 maliliit na tindahan sa Barangay Zone 4, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Napag-alamang ganap na alas-12:35 ng madaling-araw nang kumalat ang apoy sa loob ng palengke na katabi lamang ng estasyon ng bombero. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog matapos na maapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog mula sa ibat ibang bayan ng Cavite. Posibleng may naiwan na bukas na bentilador at nag-init ang kable ng kuryente saka tuluyang lumikha ng apoy, ayon sa ulat. (Cristina Timbang)
CAVITE Tatlong notoryus na tulak ng droga na protektado ng mga tiwaling opisyal ng pulis-Cavite ang dinakip ng mga tauhan ng Cavite Special Enforcement Team ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon sa bahagi ng Cavite City. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Aurelio Ruiz, 42, alyas "Oying Bakla"; Ludivina De Castro,41, at Nomer Bartolome, 30, pawang nakatira sa Bagong Purok, Calumpang Caridad, Cavite City. Sa ulat, nagpanggap na poseur-buyer si PO1 Diego Tagros para madakip ang mga suspek na nasa talaan ng order of battle ng PNP. Ayon kay P/Chief Insp. Eduardo Untalan, may mga tumatawag na opisyal ng pulis-Cavite na inaarbor ang mga suspek at nag-aalok pa ng malaking halaga sa kalayaan ng tatlo. (Lolit Yamsuan
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na hepe ng barangay tanod ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nagroronda sa nasasakupang lugar sa Barangay Sta. Cruz, Calabanga, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Efren Flores, may asawa, at residente ng nabanggit na barangay. Napag-alamang may mga tanod na kasama ang biktima habang naglalakad nang lapitan ng mga hindi kilalang lalaki at paputukan ng baril, samantala, hindi naman nagawang pumalag ng ilang kasamahang tanod ng biktima sa takot na madamay.Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing krimen upang mabatid ang motibo. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended