^

Probinsiya

Misis naaktuhan sa kandungan ng lover

-
SANTIAGO CITY, Isabela – Isang 40-anyos na guro mula sa pampublikong paaralan ang naaktuhan ng kanyang mister sa kandungan ng kanyang lover na Bumbay sa isang apartment na sakop ng Santiago City, Isabela, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang magkalaguyong guro at Bumbay na agad dinakip ng mga awtoridad matapos maaktuhan sa isang paupahang apartment ay nakilalang sina Judy Marayag, isang grade III teacher sa Alicia Central School sa bayan ng Alicia, Isabela at Sukwinder Singh, aka Vlady, 27, residente naman ng Barangay Centro West, Santiago City.

Batay sa ulat ng pulisya, unang dumulog sa himpilan ng pulisya si Roque Maraya, 52, asawa ni Judy, at nagtatrabaho bilang election officer ng Diffun sa Quirino upang magpatulong matapos makumpirma ang kinaroroonan ng kanyang misis na kasama ang lover na Bumbay.

Dahil dito ay agad na pinangunahan ni SPO1 Charlie Viernes, kasama si Mr. Maraya patungo sa apartment na inuupahan ng nasabing Bumbay sa Barangay Centro West ng Lungsod na ito at naaktuhan ang dalawa.

Napag-alamang tuwing Sabado lamang umuuwi sa kanilang tahanan sa Barangay Castillo, Echague, Isabela si Mr. Maraya dahil sa kanyang trabaho bilang election officer sa Quirino na pinaniniwalaang sinamantala naman ng kanyang misis ang pakikipagkita sa kanyang lover na Bumbay hanggang sa doon na sa apartment tumutuloy sa pag-aakalang hindi sila mabubuking.

Dahil sa malapit na kaibigan ng mag-asawa ang Bumbay kung saan pinagtitimpla pa ng kape ni Mr. Maraya ang lover ng kanyang misis sa tuwing dumadalaw sa kanilang bahay, hindi pa rin makapaniwala ang kawawang mister na iputan siya sa ulo ng kanyang asawa.

Sa kasalukuyan ay tila kapwa nabuhusan ng malamig na tubig ang nag-aalab na damdamin ng dalawang magkalaguyo matapos kapwa sila ngayong humihimas ng malamig na rehas sa loob ng bilangguan habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (Victor Martin)

vuukle comment

ALICIA CENTRAL SCHOOL

BARANGAY CASTILLO

BARANGAY CENTRO WEST

BUMBAY

CHARLIE VIERNES

DAHIL

ISABELA

KANYANG

MR. MARAYA

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with