Lady exec dedo sa ambush
March 26, 2006 | 12:00am
CAVITE Hindi na nakauwi pa ng buhay ang isang lady executive makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagmamaneho ng kotse sa bahagi ng Barangay Salitran 2, Dasmariñas, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Arceli T. Cardenas, dalaga, executive ng kompanyang Cypress Incorporation sa Gateway, General Trias, Cavite at naninirahan sa Block 8 Lot15 Summer Meadows, Barangay Salitran 3 ng bayang nabanggit.
Sa imbestigasyon ni PO3 Valero Bueno, naitala ang pananambang ganap na alas-8:00 ng gabi habang sakay ang biktima ng Toyota Vios na may plakang XNB-454 patungo sa bayan ng Imus, Cavite.
Napag-alamang pansamantalang huminto ang kotse ng biktima dahil sa trapik sa nasabing lugar nang lapitan ng dalawang armadong lalaki.
Isa sa killer ang tumayo sa harapan ng kotse at ang isa naman ay sa tagiliran bago magkasabay na pinaputukan ng baril ang dalagang negosyante hanggang sa duguang bumulagta.
Ayon sa mga nakasaksi na animoy walang nangyaring lumayong palakad ang dalawang killer matapos na isagawa ang pamamaslang.
Sa kasalukuyang ay hindi pa matukoy ng pulisya ang tunay na motibo ng krimen at patuloy na sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest