^

Probinsiya

Judge sa Subic rape case, nagbitiw

- Ni Jeff Tombado -
OLONGAPO CITY – Nagbitiw kahapon bilang judge sa kontrobersyal na kasong Subic rape case si Olongapo City Vice-Executive Judge Renato J. Dilag matapos ang mahigit apat na buwan na paghawak nito sa nabanggit na kaso.

Ang isinagawang hakbang ni Dilag na "voluntary inhibition" ay bunga ng isinampang motion for inhibition sa sala nito ng isa sa mga abogado ng biktima na si Atty. Evalyn Ursua.

Base sa isinumiteng mosyon ni Ursua, dapat bitawan ni Dilag ang paghawak sa nasabing kaso dahil sa pagkakaroon ng direktang pakikipag-ugnayan ng kanyang anak na si Atty. Raymund Dilag sa pangunahing defense counsel ng mga akusado.

Ayon kay Ursua, ang batang Dilag ay nagsilbi bilang isa sa mga abogado noon sa ilalim ni Atty. Rodrigo Berenguer Law office. Ang nabanggit na abogado ay siyang humahawak bilang taga-depensa ni Chad Carpentier, isa sa mga Amerikanong sundalo na inakusahan ng panghahalay sa 22-anyos na Pinay noong Nobyembre 1, 2005.

Subalit ayon kay Dilag, matagal nang nagretiro ang kanyang panganay na anak sa tanggapan ni Berenguer at ito ay noon pang Agosto ng taong 2004.

Iginiit pa ng nasabing hukom na isa rin sa mga dahilan ni Ursua sa nais nitong pag-inhibit niya sa kaso ay ang pag-"deny" niya sa isinampang petisyon nito na "motion to defer arraignment" sa apat na akusado.

Nagbabala naman si Dilag sa maaaring pagkakaroon ng delay sa kaso dahil sa pagkakaroon ng ilang mga teknikalidad at maaaring magtatagal pa ang gagawing pagdinig nito.

"Walang pressure sa ginawa ko at para maalis ang duda ng mga private counsels ng biktima kung kayat hindi na ako nagdalawang isip pa na bitawan ko ang kasong ito," pahayag ni Dilag.

Sa susunod na Martes (Marso 28, 2006 ang schedule ng panibagong raffle sa Olongapo City Clerk of Court na kung kanino kina Branch 75 Executive Judge Avelino Lazo at Judge Ramon Caguioa ng Branch 74 mapupunta ang Subic rape case.

CHAD CARPENTIER

DILAG

EVALYN URSUA

EXECUTIVE JUDGE AVELINO LAZO

JUDGE RAMON CAGUIOA

OLONGAPO CITY CLERK OF COURT

OLONGAPO CITY VICE-EXECUTIVE JUDGE RENATO J

URSUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with