4 tugis sa kasong illegal recruitment
March 15, 2006 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Tugis ng pulisya ang mag-ina at dalawa pang iba na responsable sa kasong illegal recruitment sa bayan ng Mercedez, Camarines Norte na bumiktima sa anim na sibilyan na nagbigay ng malaking halaga kapalit ng trabaho sa ibang bansa. Kinilala ng pulisya ang mag-inang suspek na sina Wilma Mancenido at Jenneth. Inireklamo rin ng mga biktima ang dalawang suspek na sina Faizal Pendaton, 39, ng Ecology Village, Barangay Gubat, Daet at isang alyas Genia. Kabilang sa mga biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya ay nakilalang sina Erick Cabezudo, 29; Emilyn Cuarte, 25; Rogelio Escasinas, 29; Josephine Totanes, 38; Leonilo Royol Jr., 23; Erwin Ibias, 30. Napag-alamang malaking halaga ang naibigay ng mga biktima sa apat na suspek kapalit ng trabaho sa ibang bansa. (Francis Elevado)
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Apat-katao na pinaniniwalaang sangkot sa pagpapakalat ng bawal na gamot ang dinakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operations sa magkahiwalay na bayan ng Plaridel at Pulilan, Bulacan, kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na pormal na kakasuhan ay nakilalang sina Norberto Frieno y Lopez, 34; Marilyn Fernando y Cruz, 30; Willie Santiago y Balagtas, 39; at Arvee Palomares, 19, ng Barangay Cutcot, Pulilan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Benedict Michael Forno, provincial police director, ang mga inaresto sa bayan ng Plaridel ay nakumpiskahan ng dalawang plastic sachets ng shabu (0.023 gramo). Sa bayan ng Pulilan, Bulacan ay nakumpiskahan ang mga suspek ng 5-tea bag ng pinatuyong dahon ng marijuana (11.889 gramo). (Dino Balabo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest