NAIA police itinumba sa bus terminal
March 13, 2006 | 12:00am
BATANGAS CITY Binaril at napatay ang isang airport police na naka-assign sa Ninoy Aquino International Airport ng nag-iisang lalaking naka-bonnet habang nakatayo ang biktima sa harap ng isang bus terminal sa Batangas City, noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Superintendent Francisco Don Montenegro, Batangas police provincial director, ang biktimang si She Rub Rae Sediego, 30, ng Jetlane Village, Parañaque City.
Ayon kay Montenegro, bumisita at dumalo sa birthday party ng isang malapit na kaibigan si Sediego sa Batangas hanggang sa hindi naman nagtagal ay nagpa-alam na uuwi.
Bandang alas-7 ng gabi habang nakatayo si Sediego sa harap ng Jam-Tritran Bus terminal sa Barangay Calicanto nang lapitan ng nag-iisang suspek at paputukan ng isang beses sa likurang bahagi ng ulo at tumagos sa kanang mata.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang gunman papalayo ng crime scene at sumakay ng isang motorsiklo na nag-aabang ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng pamamaril.
Ayon sa mga saksi, tumakas ang magka-angkas na suspek patungong National Highway ng Barangay Bolbok sa Batangas City.
Samantala, nag-utos na si Montenegro sa Batangas City police ng malalimang imbestigasyon para malaman ang motibo at identity ng mga suspek na nasa likod ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended