^

Probinsiya

Expedition salpok sa poste: 3 patay

-
CAVITE – Tatlo ang kumpirmadong patay habang tatlo katao pa ang sugatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang Expedition sa poste ng kuryente habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo H-way Brgy. Palico, Imus, lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktima na sina Jocelyn Sedano 23-anyos ng Bayan Luma, driver ng Expedition; Mark Dalid, 22, ng Brgy. Tahimik at Roselle Ramos, 19, ng Medicion pawang ng Imus, Cavite.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa Medical Center Imus ang tatlo pang kasamahan ng mga nasawi na sina Benjo Lavalle, 24, ng Bayan Luma; Michael Angelo Velasco, 19, ng Medicion 2nd at Allen Capoy 23, ng Bayan Luma pawang ng bayang nabanggit.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Rene Catalan, may hawak ng kaso, ganap na alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente. Sakay ang anim na biktima ng Expedition na may plate no. WKK-761 na pag-aari ng ASABA Marketing Incorporated at bumabagtas sa nasabing lugar.

Nawalan umano ng kontrol ang nasabing sasakyan at hindi nakayang imaniobra ni Sedano kung kaya nagpaikut-ikot ito sa kalsada bago tuluyang sumalpok sa isang posteng kahoy ng kuryente.

Dahil dito, naipit ang mga biktima sa loob ng sasakyan na ikinasawi ng tatlong biktima at ikinasugat ng tatlo pa. (Cristina Timbang/ Lolit Yamsuan)

vuukle comment

AGUINALDO H

ALLEN CAPOY

BAYAN LUMA

BENJO LAVALLE

BRGY

CRISTINA TIMBANG

JOCELYN SEDANO

LOLIT YAMSUAN

MARK DALID

MARKETING INCORPORATED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with