Lider ng kidnaper nasakote
March 8, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na elemento ng National Anti-Kidnapping Task Force at ng Traffic Management Group (TMG) sa Calabarzon ang itinuturing na lider ng kidnap-for-ransom group sa bayan ng Pila, Laguna noong Lunes ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Joel Orduña, TMG-Calabarzon director, ang suspek na si Edito Suyang, tubong Zamboanga City at residente ng Barangay Sampiruhan, Calamba City, Laguna.
Bandang alas-8:45 ng gabi nang mamataan ang suspek habang nagmamaneho ng sariling sasakyan sa kahabaan ng national highway na sakop ng bayan ng Pila
Naaresto si Suyang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roland How ng Parañaque City Regional Trial Court sa kasong kidnap-for-ransom.
Si Suyang na kasama sa talaan ng Department of Interior and Local Government na most wanted kidnaper ay may patong na P.3 milyong reward kung sinumang makakapagbigay ng impormasyon para sa kanyang ikadarakip. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest