P15-M computer software nakumpisa sa CIDG raid
March 5, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME May kabuuang P15 milyong halaga ng computer equipment ang nasamsam ng mga elemento ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang salakayin ang isang computer shop sa Clarkfield, Pampanga, iniulat kahapon.
Sa isang press statement, sinabi ni PNP CIDG director Chief Supt. Jesus Verzosa, ang ni-raid ng mga tauhan ng CIDG-Anti Fraud and Commercial Crimes division ay ang Hazama Corporation na matatagpuan sa Building 11 at 18, Units B at C, Jose Abad Santos Avenue, Clarkfield sa Angeles City.
Ang ginawang pagsalakay ng CIDG ay base sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio Jr. ng Manila Regional Trial Court, National Judiciary, Branch 24.
Una nang inireklamo ng Quisumbing Torrres Law Office at Orion Support Link ang Hazama Corp. dahil sa pagbebenta umano ng hindi lisensyadong mga produkto nito.
Nakumpiska mula sa nasabing computer shop ang ibat ibang computers na naglalaman ng mga di-lisensyadong Microsoft wares at COD-R installers. Ito ay dinala na sa CIDG-Central Luzon para sa kaukulang disposisyon. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
Recommended