Brodkaster sa Leyte, kinukuwestiyon ng CIDG
February 28, 2006 | 12:00am
Isang dating konsehal sa bayan ng Palo, Leyte na ngayon ay brodkaster at director ng Citizens Anti-Crime Assistance Group (CAAG) ang napaulat na hinaharas ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection group sa paniniwalang isa sa sumusuporta sa grupo ng makakaliwang kilusan sa nabanggit na bayan.
Sa liham ni Roger S. Santos, national president ng CAAG kay PNP chief Director General Arturo Lomibao, sinabi nito na ang mga tauhan ng CIDG ay pino-prosecute ang kanilang miyembro na si Lourdes "Lulu" Palencia na ngayon ay aktibong brodkaster.
Napag-alamang si Palencia ay isinailalim sa imbestigasyon ng CIDG dahil sa mga ulat nito tungkol sa pagkakapaslang sa 11-magsasaka sa bayan ng Palo, Leyte noong nakalipas na taon.
Pinapalabas ni Palencia sa kanyang ulat na ang naganap na insidente ay masaker at hindi engkuwentro ng militar laban sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA)
Ayon kay Santos, ang CAAG ay may 300,000 miyembro nationwide at nakikilahok sa civic at anti-crime activities sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Maging sa Metro Manila ay aktibo ang CAAG sa ibat ibang proyekto partikular na ang medical at dental mission anti-drug abuse campaigns, free fumigation services at ilang socio-civic operations kaya nabigyan ng plaque of recognition ni First Gentleman Miguel Juan Arroyo noong ika-105 anniversary ng Manila Police District noong nakalipas na taon. (Gretchen Contiling)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest