PSN/PM corres pinarangalan sa 15th PNP anniversary
February 28, 2006 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Nakatanggap ng plaque of appreciation ang dating presidente ng Bataan Press Club na ngayon ay correspondent ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa (PM) at dzRH broadcaster sa ginanap ng ika-15th PNP anniversary kahapon sa Camp Cirilo Tolentino Headquarters sa Balanga City, Bataan.
Si Jonie L. Capalaran ay pinagkalooban ng plaque of appreciation bilang pagpapakita ng suporta at kooperasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa Bataan police provincial office sa pamamagitan ng patas na paglalathala sa pahayagan at pagbo-broadcast sa MBC radio sa matagumpay na accomplishment ng pulisya sa isinagawang simpleng seremonya sa loob ng nabanggit na kampo.
Ayon kay P/Senior Supt. Hernando Zafra, ang pagkakapili kay Capalaran, ay pinagkaisahan ng police provincial selection committee dahil sa pagpapamalas ng sipag sa pagpapalaganap ng pagbibigay ng mahahalagang inpormasyon sa ating mga kababayan.
Kabilang sa binigyan ng special award ng pulisya ay sina Raffy Viray correspondent ng Philippine Star at presidente ng Bataan Press Club; Lenie Angeles-manager ng MBC Radio 105.5 fm.; Mike Palay ng Orica; Engr. Loreto Marcelino-Manager ng Penensula Electric Cooperative (PENELCO); Rosanna Mendoza-NUP of the year; Lamao Barangay Captain Cesar Canete-Brgy. Captain of the year at DILG Provincial Director Ruben Diaz.
Binigyan naman ng sertipiko ng pagkilala sina P/Supt. Mario Lopez Jr., P/Supt. Arnold Gunacao, P/Supt. Magno Biag-Senior Police Chief Office of the Year, P/Supt. Rogelio Rillion-Junior Police Chief Office of the year, SPO4 Fernandito Baun-Senior PNCO of the year, PO3 Danilo Nazareno-Junior PNCO of the year, PO3 Roselyn Asparo-Police Woman of the year at SPO4 George Paraiso- na nakatanggap naman ng Plaque of recognition.
Ang Bataan ang pumapangalawa sa talaan ng Region-3 na pinakatahimik na lalawigan at may pinakamaraming nareresolbang kaso sa Central Luzon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest