^

Probinsiya

Nag-amok tinodas

-
QUEZON, Nueva Ecija – Isang 27-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pumasok sa bahay ng kanyang kapitbahay nang walang pahintulot saka nag-amok ang sinaksak at napatay sa Purok 6, Barangay Ilog Baliwag ng bayang nabanggit, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Sto Domingo Emergency Hospital ang biktimang si Artemio Castillo y Salvador, samantala, sumuko sa pulisya ang suspek na si Francisco Duque, alyas Amang, 35, kapwa magsasaka ng nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok sa bahay ng suspek ang biktima na may hawak na patalim na pinaniniwalaang may masamang balak, subalit napigilan ni Francisco. Naagaw ng suspek ang patalim sa biktima hanggang sa maganap ang insidente. (Christian Ryan Sta. Ana)
Most wanted nasakote
NUEVA ECIJA – Bumagsak sa kamay ng pulisya rito ang itinuturing na number 1 most wanted person sa bayan ng Cabiao sa isinagawang operasyon sa Barangay Bagong Silang sa bayang nabanggit, kamakalawa ng gabi. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dorentino Florezta ng Gapan Regional Trial Court Branch 35, nasakote ng mga tauhan ni P/Supt Elsa Miranda ang suspek na si Gilbert Salvador y Bucat, 35, may-asawa, isang tricycle driver ng nasabing lugar. Ayon sa pulisya, ang suspek na dinakip sa kanyang pinagkukutaan ay may mga nakabinbing kaso ng rape at 3 counts of acts of lasciviousness sa nasabing bayan. Inirekomenda naman ng korte ang halagang P240,000 bilang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ARTEMIO CASTILLO

BARANGAY BAGONG SILANG

BARANGAY ILOG BALIWAG

CHRISTIAN RYAN STA

FRANCISCO DUQUE

GAPAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

GILBERT SALVADOR

JUDGE DORENTINO FLOREZTA

NUEVA ECIJA

STO DOMINGO EMERGENCY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with